Pinuna ni Vice President Sara Duterte’s spokesperson Atty. Paolo Panelo ang ilang senator-judge na aniya’y sumusubok na sirain ang kredibilidad ng mga testigo ng depensa sa impeachment proceedings. Giit ni Panelo, hindi trabaho ng mga senator-judge na gawin ito dahil tungkulin ng prosekusyon na kuwestiyunin ang mga testigo ng kabilang panig.
“Ang nagta-try na magbasag ng credibility [ng defense witness] ay 'yong senator-judges natin... That is improper. Hindi trabaho ng senator-judge 'yan, ang dapat na gumagawa niyan ay ang prosecution. 'Yong senator-judges mismo naman dapat for the most part ay makinig lang sa magkabilang panig at sila pa mismo 'yong sumusubok na sirain itong credibility ng witness,” pahayag ni Panelo.
“Nauna ’yong majority, parang nag-a-advocate sila for one side. So siyempre, hindi naman papayag ’yong minority na gano’n-gano’n na lang,” dagdag niya noong Nobyembre 19.
📸 Panelo Law Office



