Pinahayag ni Russian President Vladimir Putin na mahalagang bahagi ng Asia-Pacific region ang Russia at malaki ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.
Â
Sa kaniyang pahayag sa mga lider ng APEC sa China, hinimok ni Putin ang mga miyembro na gamitin ang logistics infrastructure ng Russia. Binigyang-diin din niya ang ambag ng Moscow sa seguridad sa pagkain at enerhiya ng rehiyon.
Â
Ayon kay Putin, dapat magsilbing daan ang APEC sa mas matibay na pagtutulungan at pagbuo ng magkakaisang layunin para sa kooperasyon ng mga kasaping ekonomiya.
Â
đź“· Reuters


