Tinanong ni Atty. Mark Vinluan si Atty. Rainer Dela Fuente kung maituturing bang simple ang pamumuhay ng isang opisyal ng gobyerno kung nagmamay-ari naman ito ng mamahaling sasakyan.
Ipinakita ni Vinluan ang larawan ng isang 2026 Mercedes-Benz G-Class na pagmamay-ari umano ng isang opisyal ng gobyerno.
Dagdag pa niya, kung inaakusahan ng naturang opisyal ang isa pang opisyal ng pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman o unexplained wealth at marangyang pamumuhay, dapat din aniyang kuwestiyunin ang integridad ng taong naghain ng paratang.


