Nagpaalala si Senador Imee Marcos sa kaniyang mga kapwa senator-judges na maging pantay at patas sa pagtrato sa batas.
Ito ay matapos kuwestiyunin ng ilang senador ang kredibilidad ng testigo ng depensa na si Atty. Rainer Dela Fuente dahil hindi pa niya nababasa ang forensic report ni Atty. Alex Cabrera bago humarap sa impeachment court.
Ayon kay Marcos, hindi kailangang kilalanin o alamin ang lahat ng detalye tungkol sa mga sangkot. Inihalintulad niya ito sa nakatakip na mga mata ni Lady Justice, na sumisimbolo sa patas na hustisya.


