Nagpasya ang International Court of Justice (ICJ) na genocide ang mga pagpatay at malawakang karahasang seksuwal na isinagawa ng puwersang panseguridad ng Myanmar laban sa mga Rohingya Muslim noong 2017.
Sa desisyong inilabas nitong Huwebes, Nobyembre 19, sinabi ng 15 hukom na may layuning puksain ang malaking bahagi ng populasyon ng Rohingya sa Northern Rakhine State ang mga isinagawang pagpatay, panggagahasa, pag-atake sa mga bata, at pagsunog sa daan-daang nayon.
Ito ang unang pagkakataon na direktang pinanagot ng ICJ ang isang estado sa genocide. Iniutos din ng hukuman na bayaran ng Myanmar ang mga Rohingya para sa mga nagawang paglabag, bagaman tutukuyin pa ang halaga ng kompensasyon.
Inatasan din ang Myanmar na tiyakin ang ligtas at marangal na pagbabalik ng mga lumikas na Rohingya at ang muling pagsasama-sama ng mga pamilyang nagkahiwalay dahil sa insidente.
📷 Reuters



