Nangako si Chinese President Xi Jinping na maglalaan ang China ng $20 milyon upang suportahan ang mga programa at kooperasyon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Inanunsiyo ito ni Xi sa kaniyang pambungad na pahayag sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Inihayag din ni Xi ang pagtatatag ng isang sentro para sa pag-aaral ng Asia-Pacific community sa Shenzhen na magsasagawa ng pananaliksik at palitan ng mga ideya hinggil sa kooperasyong panrehiyon.
Bukod dito, magtatatag ang China ng mga institusyon para sa kooperasyon sa larangan ng digital technology, cross-border data flow, malinis na enerhiya, at pagpapaunlad ng small and medium-sized enterprises (SMEs).
Hinimok din ni Xi ang mga miyembro ng APEC na palakasin ang pagkakaisa, bukas na kalakalan, at pagtutulungan upang maisulong ang inklusibo at makabagong pag-unlad sa rehiyon.
📸 Presidential Communications Office



