Target ng isang cyberattack ang European Commission (EC) na posibleng nagresulta sa pagkakakompromiso ng malaking bahagi ng personal na datos, ayon sa ulat ng US media nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Â
Sinabi ng isang opisyal ng European Union na naniniwala ang EC na nakontrol na nila ang insidente, ngunit hindi pa malinaw ang kabuuang laki ng pinsala.
Â
Ayon sa ulat, pansamantalang isinara ang ilang sistema, kabilang ang mga ginagamit sa human resources para sa payslips at time management, gayundin ang sistema para sa medical reimbursements. Tumagal nang humigit-kumulang sampung araw ang naturang aberya.
Â
Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng EC na si Thomas Regnier na nagsagawa sila ng mga hakbang matapos matukoy ang cyber campaign at naabisuhan na ang mga indibidwal na posibleng naapektuhan.
Â
📸 AFP


