Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang sumuporta sa 35x35 global electrification pledge na inilunsad ng Turkish Presidency of COP sa climate negotiations sa Antalya, Türkiye.
Kinumpirma ni Department of Energy (DOE) Assistant Secretary Mandy Romero ang suporta ng bansa sa COP31 nitong Miyerkules, Nobyembre 18. Layunin ng inisyatiba na itaas sa 35% ang bahagi ng kuryente sa kabuuang konsumo ng enerhiya sa buong mundo pagsapit ng 2035, mula sa kasalukuyang 23%.
Ayon sa DOE, nasa 95.10% na ang antas ng household electrification sa Pilipinas, katumbas ng humigit-kumulang 29.13 milyong kabahayan na may suplay ng kuryente. Target din ng ahensya na makapagdagdag ng 2.90 milyon pagsapit ng 2028.
Samantala, iginiit ng Aksyon Klima Pilipinas na dapat kaakibat ng pagpapalawak ng paggamit ng kuryente ang paglipat mula sa fossil fuels patungo sa renewable energy upang matiyak na nababawasan ang greenhouse gas emissions.



