Pormal nang nilagdaan ng Pilipinas at Chile ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) nitong Huwebes, Nobyembre 19, sa sidelines ng 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chilean President Jose Antonio Kast ang paglagda sa kasunduan sa kanilang bilateral meeting sa Shenzhen International Exchange Center.
Ayon kay Marcos, matagal nang inaasam ng Pilipinas ang kasunduan na magsisilbing pundasyon upang higit pang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa, hindi lamang sa kalakalan kundi maging sa pagitan ng kanilang mga mamamayan.
Ito ang unang free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa sa Latin America. Layunin nitong palawakin ang palitan ng produkto, serbisyo at pamumuhunan sa pamamagitan ng pagbabawas ng taripa at iba pang hadlang sa kalakalan, gayundin ang pagbibigay ng mas malawak na access sa merkado para sa mga produktong Pilipino at Chilean.
📷 PCO



