Naglabas ang Board of Investments (BOI) ng endorsement o Certificate of Good Standing para sa CALE88 na isinumite sa Bureau of Customs (BOC) noong Hunyo 16, 2026.
Nakasaad sa sertipiko na sumusunod ang kompanya sa mga kondisyon at patakaran ng pagpaparehistro nito at nasa good standing status. Hiniling ng CALE88 ang endorsement bilang bahagi ng proseso ng pagpaparehistro nito sa BOC Client Profile Registration System (CPRS).
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Dr. Ceferino Rodolfo, inilabas ng BOI ang endorsement matapos ang aktuwal na inspeksiyon sa CALE88 at pagsusuri sa mga dokumento at kinakailangang rekisito ng kompanya.



