Fri, Nov 20Friday, November 20, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Misael Dungca III

    Misael Dungca III

    Columnist · NET25

    Mass arrests sa ASEAN, pero ang mga "big fish" hindi malambat!

    P22 billion, 1,600 hectares at stake, 300 arrests, -4 rating: in time for ASEAN.

    November 19, 20263 min read

    Ang ASEAN Summit sa Pilipinas ay isang pagkakataon para iparinig ang pagtutol ng maraming Pilipino: sa Pax Silica; sa pagtakip sa tunay na mukha ng bansa; at sa mas malalaking problema sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

    Ang pagbubukas ng 49th ASEAN Summit sa Metro Manila nitong Linggo, Nobyembre 15, ay sinabayan ng diumano’y "biggest mass arrest in a single day” sa ilalim ng Marcos administration. Nasa 300 Pilipino ang hinarang at inaresto sa iba’t ibang lugar matapos magprotesta kasabay ng naturang international event. Ayon sa mga ulat, kakasuhan sila ng “illegal assembly and public disturbance.” Kaya’t nananawagan ang Amnesty International na palayain ang mga raliyista.

    Bago pa ito, ikinasa ang malawakang nationwide protests at student walkout na pinangunahan ng mga estudyante mula sa mga pangunahing pamantasan sa bansa. Kasama ang mga magsasaka at katutubong Ayta, tinututulan nila ang pagdalo ni Trump sa summit at ang panukalang Pax Silica, isang 1,600-hectare project sa Tarlac na pinangangambahang magbubukas sa malawakang paggamit ng natural resources at magpapalayas sa mga komunidad mula sa kanilang ancestral lands.

    Kaliwa’t kanan vandals at staged light art ang naghihintay kay Trump.

    Napakadali para sa gobyerno na magpakalat ng libu-libong pulis at manghuli ng daan-daang Pilipino na gusto lang iparinig ang kanilang mga hinaing. Pero pagdating sa paghuli ng pinakamalalaking isda, bakit inaabot ng siyam-siyam?

    Naghihintay pa rin ang sambayanan ng update sa pag-aresto sa mga tinutugis ng gobyerno sa pamumuno ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sina: Charlie "Atong" Ang, na nakaalis na raw sa bansa; dating Rep. Zaldy Co, na ayon kay Remulla ay nasa France na at nag-a-apply ng political asylum; Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, na nagtatago umano sa Mindanao at pinoprotektahan ng armadong grupo; at dating BuCor Chief Gerald Bantag, na hindi pa rin nahuhuli sa kabila ng mga operasyon sa Cordillera.

    Advertisement

    Sponsored placement

    No to Pax Silica!

    Lumabas ang mga ulat sa international media na pakay ni Trump na kumbinsihin ang ASEAN leaders na sumali sa Pax Silica. Pero sa Pilipinas, marami pa rin ang tumututol.

    Ilang araw bago ang ASEAN Summit, binalasa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang gabinete, kasama ang ahensiyang tumututok sa Pax Silica sa Tarlac.

    Si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ay itinalaga bilang bagong pinuno ng Bases Conversion and Development Authority habang ang dating lider ng BCDA ay inilipat sa Philippine Economic Zone Authority. Walang konkretong anunsyo kung may kinalaman ito sa pagsasapinal ng isang kasunduan sa Amerika. Wala ring nakatakdang announcement tungkol sa Pax Silica sa ASEAN Summit. Tandaan, 1,600 ektaryang lupa ang nakataya rito.

    Maskara sa Maynila

    Bukod sa mass arrests, ikinainis din ng maraming residente at netizens ang "paglilinis" at “pagpapaganda” sa Metro Manila bilang paghahanda sa pagdating ng mga foreign leaders.

    Pansamantalang sinuspinde rin ang ilang weekend routines gaya ng car-free Sunday at jogging sa ilang pampublikong lugar, kasabay ng pagbabawal at pagpapaalis sa mga street vendors sa mga rutang tulad ng Baclaran at Roxas Boulevard.

    Mayroon pang biglaang repainting ng mga bangketa, road reblocking, at paglalagay ng mga harang o tarpaulin malapit sa mga lugar na may informal settlers.

    P22.9 billion para sa pinakamahal na band-aid sa kasaysayan.

    Ang tanong: Kumusta tayo pag-alis ng mga bisita?

    Piso kontra dolyar? Bagsak. Historic lows.

    Utang ng Pilipinas? Record-high P19.66 trillion.

    Inflation? Bumilis sa 7.8%.

    Unemployment? Tumaas sa 5.4%.

    Net satisfaction rating ng administrasyon? -4

    President Marcos Jr. has 1 year and 7 months to go.

     
    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Misael Dungca III

    Misael Dungca III

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Misael →

    Keep reading

    Next columnPA-CUTE SA CAMERA, PASAWAY SA KALSADA? By Cesar BatingalNagbabala ang mga insidente ng paggamit ng cellphone habang nagmamaneho ng ilang celebrity sa panganib ng distracted driving at kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada.→

    More from Misael

    Kaniya-kaniya na?Aug 31→ Rocket sa Cagayan, A.I. hub sa Tarlac: Ano ang kapalit?Jul 31→Malapit na kasi ang SONAJul 17→

    More voices in Opinion

    THE ₱23-BILLION BROOMRikki Mathay·Nov 12→Nakaka-brainwash talaga ang mag-travel abroad!Nelson M. Lubao·Nov 12→
    ←NET25 Opinion