Dalawang driver ang arestado matapos makumpiska ng pulisya ang tinatayang ₱3.86-milyong halaga ng iba’t ibang brand ng sigarilyo at dalawang sasakyan sa buy-bust operation sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office (PPO), nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 10 at 13 ng Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan at posibleng distribusyon ng mga nakumpiskang sigarilyo.
📸 Batangas PPO
via Martin Banaag

