Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 11 hinihinalang biktima ng human trafficking at naaresto ang tatlong Malaysian sa isang hinihinalang online scam hub sa Currimao, Ilocos Norte.
Nagsimula ang operasyon nang magsumbong ang isang babae na inalok umano ng trabaho bilang virtual assistant ngunit sa halip ay pinilit siyang gumawa ng online scams.
Ayon sa kaniya, ikinulong siya ng tatlong dayuhan at pinagawa ng mga ilegal na gawain.
Sa raid noong Nobyembre 14, sampu pang indibidwal ang humingi ng tulong sa mga operatiba.
Nadiskubre rin ng NBI ang isang opisina na ginawang kahawig ng FBI office, kasama ang mga kagamitang may tatak ng ahensiya at iba pang gamit na pinaniniwalaang ginamit sa panloloko.
📷 NBI



