Arestado ang isang 47-anyos na lalaki matapos ang entrapment operation ng pulisya sa Barangay Balele, Tanauan City, Batangas noong Nobyembre 18.
Narekober sa suspek ang isang 9mm semi-automatic pistol na walang serial number, isang magazine at limang bala. Nakuha rin ang isang itim na backpack, ₱500 na ginamit sa operasyon, at pitong pekeng ₱1,000 bill na nagsilbing boodle money.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
📸 Tanauan Components City Police Station
via Emmar Dela Vega


