Sinabi ni Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa umano’y mga pag-uusap ng mga mambabatas kaugnay ng posibilidad na hindi ituloy ang 2028 elections.
Ayon kay Panelo, napag-uusapan umano sa Kamara ang pagpapalawig sa termino ng mga opisyal o ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa parliamentary system.
Gayunman, itinanggi na ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na walang maganap na halalan sa 2028 at sinabing naghahanda na sila para sa susunod na national elections.



