Ipinakita ni Atty. Mark Vinluan ang Section 8-A ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) na tumatalakay sa pagiging confidential ng mga impormasyon mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ayon sa testigong si Atty. Rainer Dela Fuente, hindi dapat basta-basta inilalabas ang mga naturang impormasyon maliban kung pinapayagan sa ilalim ng information exchange o kung ipinag-utos ng korte.



