“PAG IKAW UNANG SUMUNTOK, SUNTUKIN MO NANG MALAKAS. HINDI ONE-INCH, MALAKAS, AY TALO AKO. SO HINDI NA PWEDE SUMUNTOK ’YUNG KABILA...?”
Hiniling ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Senado na bigyan ng sapat na pagkakataon ang kampo ng depensa na mailahad ang kanilang panig sa impeachment trial, matapos mabigyan ng mahabang oras ang prosekusyon sa presentasyon ng mga alegasyon at iba't ibang artikulo.
Ginamit ni Cayetano ang alaala niya tungkol sa larong “one-inch punch” noong bata pa siya upang ipunto na dapat ding magkaroon ng pagkakataong sumagot ang kabilang panig.


