Itinuturing nang mga pugante ng Sandiganbayan ang tatlong kapwa akusado ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na sina dating DPWH materials engineer Timogen Sacar, Sunwest board member Anthony Ngo at Consuelo Aldon.
Ito ay matapos mabigong maihatid sa kanila ang mga arrest warrant na inilabas ng korte.
Iniutos na rin ng Sandiganbayan ang pagkansela sa kanilang mga pasaporte.
Nahaharap ang tatlo sa kasong malversation kaugnay ng umano’y anomalya sa road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
via TJay Mendoza


