Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na malalim nang nakaugat sa sistema ng gobyerno ang korapsyon at patuloy itong nagiging hadlang sa pag-abot ng mas maraming oportunidad at kaunlaran sa bansa.
Ayon kay Duterte, “Malaking hamon sa pangarap na ito ang korapsyon na humahadlang sa atin sa pag-abot ng mas maraming oportunidad at sa kaunlaran.”
Inilarawan din niya ang korapsyon bilang isang progresibong suliraning malalim nang nakabaon sa sistema ng pamahalaan.
“It is a progressive disorder that has embedded itself deep within the DNA of the government — and tragically, it is the Filipino people who are left to suffer the consequences,” ani Duterte.
Nanawagan din siya sa publiko na labanan ang korapsyon at panagutin ang mga opisyal ng pamahalaan.


