Itinuring ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang pagho-host ng Pilipinas sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa kabila ng kaliwa't kanang kilos-protesta.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, naging maayos ang seguridad sa mga aktibidad at nabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga delegado, partikular ang mga dumalong head of state, kabilang si US President Donald Trump.
Nagpasalamat din ang PNP sa lahat ng security personnel na nag-duty, gayundin sa publiko na nakiisa upang matiyak ang matagumpay na pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa.
Dinaluhan ang naturang pagtitipon ng humigit-kumulang 10,000 delegado mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN at kanilang mga dialogue partner.
📷 Lakbayan ng Timog Katagalugan
via Vic Somintac



