Plano nang simulan sa unang quarter ng 2028 ang operasyon ng 28-kilometrong Malolos-Valenzuela segment ng North-South Commuter Railway (NSCR), na inaasahang magpapababa sa biyahe mula 60 minuto sa 30 minuto na lang.
May pitong istasyon ang naturang segment, habang halos 90% na ang kumpleto sa konstruksyon ng Malanday Depot at mga istasyon. Nasa depot na rin ang apat na walong-karo na trainset, at inaasahang darating ang karagdagang mga tren sa Pebrero.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, target na makumpleto sa 95% bago matapos ang taon ang koneksyon ng mga istasyon mula Valenzuela hanggang Malolos. Tiniyak din niyang magiging abot-kaya ang pamasahe sa sandaling magsimula ang operasyon.
📷 PNA


