Bumuo ang Department of Education (DepEd) ng artificial intelligence-powered screening tool na kayang tumukoy ng posibleng learning at communication difficulties sa mga mag-aaral sa Grade 2 sa loob lamang ng 15 minuto.
Ā
Tinawag na Project SABAY (Screening using AI-Based Assistance for Young Children), layunin nitong tulungan ang mga guro na matukoy nang maaga ang mga batang nangangailangan ng karagdagang suporta at agarang interbensiyon.
Ā
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mas mabilis ang proseso gamit ang AI tool kumpara sa tradisyonal na Multi-Factored Assessment Tool (MFAT), na maaaring umabot ng dalawang oras kada mag-aaral.
Ā
Gumagamit ang platform ng mga interactive at story-based activities, kabilang ang picture naming, word dictation, nonsense word dictation at spontaneous vocalization upang maging mas kawili-wili at hindi nakaka-stress ang screening para sa mga bata.
Ā
Nagbibigay din ito ng sunod-sunod na resulta ng pagsusuri upang mas madaling maipaliwanag ng mga guro sa mga magulang ang pangangailangan ng kanilang mga anak at ang nararapat na suporta o interbensiyon.
Ā
š· DepEd

