Pinagtibay ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kauna-unahang deklarasyon ng rehiyon na eksklusibong nakatuon sa space cooperation, bilang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng space science at technology.
Pinangunahan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Philippine Space Agency (PhilSA), ang pagbuo ng ASEAN Leaders’ Declaration on the Advancement of Space Science, Technology and Innovation Cooperation sa 49th ASEAN Summit.
Nakatuon ang kasunduan sa tatlong pangunahing larangan: seguridad at kaligtasan sa kalawakan, space economy, at pagpapaunlad ng mga manggagawa sa sektor na ito.
Nilagdaan ang deklarasyon noong Linggo, Nobyembre 15, at sinuportahan ng lahat ng 11 miyembrong bansa ng ASEAN. Tiniyak din sa kasunduan na walang bansang maiiwan sa pamamagitan ng kooperasyon, pagbabahagi ng kaalaman, at pagtutulungan.
📷: PNA


