Pormal nang ipinasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagtatapos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Maynila.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Singaporean Prime Minister Lawrence Wong ang turnover ceremony. Tiniyak ni Marcos ang buong suporta at pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Singapore, na mamumuno sa ASEAN sa 2027.
Nagpasalamat naman si Wong sa Pilipinas at pinuri ang naging pamumuno nito sa ASEAN ngayong 2026, sa kabila ng mga hamong kinaharap ng rehiyon at ng buong mundo.
Binigyang-diin din ng Singaporean leader na mas magiging mabisang katuwang sa mundo ang isang mas nagkakaisang ASEAN. Aniya, mahalaga ang pagpapalawak ng mga partnership upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Timog-Silangang Asya.
Sabay sa pamumuno ng Singapore sa 2027 ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.
📷: ASEAN Philippines 2026


