Umabot na sa 253% ang kapasidad ng emergency room (ER) ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) nitong Martes ng gabi, Nobyembre 17.
Ayon sa Department of Health (DOH), posibleng nakadagdag sa pagdami ng mga pasyente ang panahon na nagdudulot ng ubo, sipon at mga sakit tulad ng trangkaso o influenza-like illness (ILI).
Humingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng ospital at pinayuhang magtungo muna sa mga kalapit na ospital kung kinakailangan.
Nakahanda rin ang mga ambulansya ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department upang tumulong sa paglilipat ng mga pasyente.


