Itinalaga ang dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group head na si Gabriel Go bilang bagong mamamahala sa operasyon ng EDSA Busway.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), papalitan niya si Tracker Lim, na bibigyan ng iba pang tungkulin sa koordinasyon ng kaligtasan sa kalsada, pagpapatupad ng batas at mga operasyon ng pampublikong transportasyon.


