Binigyang-diin ni US President Donald Trump ang matibay na suporta ng Estados Unidos sa mga kaalyado nito sa Southeast Asia, partikular ang Pilipinas.
Ā
Sinabi ni Trump na mas naging malapit ang ugnayan ng Estados Unidos at Pilipinas dahil sa personal niyang relasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ā
Ayon kay Trump, lalo pang pinalawak ng Washington ang kooperasyon nito sa larangan ng depensa kasama ang Pilipinas, na matagal nang mahalagang kaalyado ng Amerika.
Ā
Binigyang-diin din niya ang pangako ng Estados Unidos na suportahan ang soberanya, kaunlaran at seguridad ng mga partner nito sa buong Southeast Asia at Indo-Pacific region.
Ā
š· ASEAN Philippines 2026


