Tiniyak ni US President Donald Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang lider ng Southeast Asia ang buong suporta ng Estados Unidos sa mga kaalyado nito, partikular na ang Pilipinas.
Ayon kay Trump, maaari siyang direktang tawagan ng mga lider sakaling magkaroon ng problema. Binigyang-diin din niya ang mas pinaigting na kooperasyon sa depensa ng Estados Unidos at Pilipinas.


