Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa huling yugto na ang pag-uusap ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China hinggil sa depinisyon ng mga termino sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
Ayon kay Marcos, umabot na sa 85% hanggang 90% ang progreso ng negosasyon sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas bilang ASEAN chair. Gayunman, may mga terminong kailangan pang linawin at mga pamantayang kailangang tanggapin ng mga panig.
Nauna nang sinabi ni Foreign Secretary Ma. Theresa Lazaro na inaasahang matatapos ang COC sa susunod na taon, sa panahon ng pamumuno ng Singapore sa ASEAN.
Binigyang-diin ni Marcos na hindi maituturing na kabiguan ang hindi pagkumpleto sa kasunduan sa panahon ng chairmanship ng Pilipinas dahil kinapos lamang sa oras ang negosasyon.
📷: Reuters


