Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinagtibay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Estados Unidos ang mga alituntunin para pigilan ang online scams, kasabay ng pahayag na naglalaman ng 10 tuntunin para sa public-private partnerships laban sa lumalawak na banta nito.
Inanunsyo ito ni Marcos sa ASEAN-US Special Summit sa Maynila na dinaluhan ni US President Donald Trump at iba pang lider ng ASEAN. Inilarawan ng Pangulo ang kasunduan bilang isa sa mga agarang konkretong resulta ng summit.
Kasama rin sa pinagtibay na kasunduan ang isang komprehensibong work plan na naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng mga pamahalaan at pribadong sektor sa pagtugon sa online scams.
Binigyang-diin din ni Marcos ang matagal nang ugnayan ng ASEAN at Estados Unidos, gayundin ang 80 taon ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Amerika ngayong taon.
📷: PNA



