Nagsampa ng tatlong kasong kriminal ang Philippine National Police (PNP) laban kay Thomas Markle Sr. dahil sa umano’y pag-iingat at pamamahagi ng child sexual abuse materials.
Ayon sa PNP, inihain ng Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit ang reklamo noong Lunes, Nobyembre 16, sa Cebu. Kabilang dito ang dalawang bilang ng pamamahagi at isang bilang ng pag-iingat ng naturang materyales sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Nauna nang nakasuhan si Markle sa Estados Unidos matapos siyang arestuhin ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Florida noong Nobyembre 6.
Patuloy naman ang digital forensic examination ng mga nakumpiskang electronic device ng pulisya upang matukoy kung may karagdagang ebidensiya.
📸 Reuters



