Pinaliwanag ni Atty. Rainer Dela Fuente na confidential ang mga financial intelligence report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), habang iginiit ng depensa na nais nilang linawin pati ang pamamaraang ginamit sa pagbuo ng mga ulat.
Ipinakita rin ng depensa ang bahagi ng testimonya ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012 impeachment trial, kung saan sinabi niyang maaaring magkaroon ng chilling effect sa Korte Suprema ang impeachment ng isa sa mga miyembro nito.



