Ipinakita ng kampo ng depensa ang video ng dating press conference ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan tinanong siya tungkol sa impeachment complaint laban kay dating Vice President Leni Robredo.
Sa naturang video, sinabi ni dating Pangulong Duterte na hindi niya papayagan ang impeachment laban kay Robredo.
Inilahad ng depensa ang video bilang bahagi ng kanilang presentasyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Nobyembre 19.


