Sinabi ng NordPass na “123456” pa rin ang pinakakaraniwang ginagamit na password ng mga internet user sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo ngayong 2026.
Mula sa 200 password na madalas gamitin, nanguna ang “123456” sa Pilipinas na may mahigit 169,000 beses na paggamit. Sinundan ito ng “admin,” “password,” “user,” at “qwerty.”
Nagbabala ang NordPass na madaling mahulaan ng mga hacker ang ganitong mga password. Kaya pinayuhan ang publiko na gumamit ng mas mahihirap hulaan na password at iwasang gamitin ang iisang password sa iba't ibang online account.



