“CHILLING EFFECT NG IMPEACHMENT SA SC.”
Ipinakita ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang video clip mula sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012, kung saan makikitang emosyonal si Corona habang ipinagtatanggol ang sarili.
Sa naturang video, sinabi ni Corona na may nakakatakot na epekto sa Korte Suprema ang impeachment laban sa isang miyembro nito, dahil maaari itong makaapekto sa mga mahistrado sa kanilang mga desisyon.
Ipinaliwanag naman ni defense lawyer Mark Vinluan na hindi lamang legal na usapin ang impeachment dahil may aspektong politikal din ito.



