Iniutos ng Muntinlupa City Prosecutor ang pagpapalaya sa mahigit 200 raliyistang inaresto noong Lunes, Nobyembre 16, kasabay ng pagbubukas ng 49th ASEAN Summit.
Ayon sa desisyong inilabas ni City Prosecutor Aileen Gutierrez, ibinasura ang lima sa mga reklamong inihain laban sa mga raliyista. Dalawa sa mga ito, kabilang ang malicious mischief at alarms and scandals, ang dinismiss dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.
Gayunman, sasailalim pa sa karagdagang preliminary investigation ang iba pang kaso, at inatasan ang mga respondent na magsumite ng kanilang counter-affidavits sa susunod na linggo.
Aabot sa 213 katao, kabilang ang mga estudyante, ang inaresto ng pulisya habang nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa pagdalo ni US President Donald Trump sa ASEAN Summit at sa Pax Silica initiative.
📷 Lakbayan ng Timog Katagalugan



