Nilagdaan ni US President Donald Trump ang mahigit $17 bilyong halaga ng mga kasunduan sa negosyo at pamumuhunan matapos ang dalawang araw na state visit at pagdalo sa ika-49 ASEAN Summit sa Pilipinas.
Ayon sa White House, kabilang dito ang planong mahigit $2 bilyong pautang ng Estados Unidos upang matulungan ang Pilipinas na makabili ng mahahalagang kagamitan para sa depensa at seguridad.
Napagkasunduan din ang dagdag na pag-aangkat ng mga produktong pang-enerhiya at agrikultura mula sa Amerika.
📷 PCO


