Hindi muna makadadalo sa pagdinig ng impeachment court si Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) General Manager Rowena Mendoza dahil nasa Frankfurt, Germany siya para sa isang misyon.
Pinayagan naman ng korte na ipagpaliban ang kaniyang pagharap bilang testigo ng depensa upang mabigyan pa siya ng panahon na ihanda ang mga ebidensyang susuporta sa kaniyang testimonya.


