Sasabak na ang K-pop kings na BTS sa Asia-Pacific leg ng kanilang ARIRANG World Tour, na magsisimula sa Kaohsiung, Taiwan sa Nobyembre 19, 21 at 22.
Pagkatapos nito, tutuloy ang grupo sa Thailand, Malaysia at Indonesia sa Disyembre.
Magpapatuloy naman ang kanilang tour sa unang bahagi ng 2027 sa Australia at Hong Kong, bago ang inaabangang pagdating nila sa Pilipinas sa Marso 13, 14 at 16.
Gaganapin ang kanilang mga concert sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan, na tiyak na inaabangan ng Filipino ARMY.
📷 BTS


