Pasok ang P-pop icons na SB19 at BINI sa listahan ng mga nominado sa Best Asian Pop Music Performance category ng Grammy Awards.
Nominado ang SB19 para sa kantang “Visa,” habang ang BINI naman ay para sa “Unang Kilig.”
Nagpasalamat ang dalawang grupo sa kanilang mga fans sa pagkilalang natanggap nila.
Samantala, kabilang din ang SB19 sa mga artist na magtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Abril 2027.
📸 SB19, BINI / FB



