Kinuwestiyon ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte kung sino ang nasa likod ng umano’y pagbabanta sa dating household staff ni Vice President Sara Duterte.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Pulong na dapat malaman kung sino ang nag-uutos at namimilit sa mga dating tauhan ng bise presidente na lumagda sa ilang dokumento.

Giit niya, kung mapatutunayang may pagbabanta at pamimilit, dapat itong imbestigahan at panagutin ang sinumang sangkot. Hiniling din niya ang transparency kung may kinalaman dito ang National Bureau of Investigation (NBI) o iba pang ahensiya ng gobyerno.
📸 Congressman Paolo "Pulong" Duterte / FB
via Eden Santos



