Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kabiguan ang 80% o higit pang pagkakumpleto sa panukalang South China Sea Code of Conduct (COC), sa kabila ng hindi ito natapos sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas bilang ASEAN Chair ngayong taon.
Ayon kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, kinapos lamang sa panahon ang negosasyon at maaari sanang natapos ang kasunduan kung nabigyan pa ng dagdag na lima hanggang anim na buwan.
Inaasahang matatapos ang COC sa 2027 sa ilalim ng pamumuno ng Singapore bilang susunod na ASEAN Chair. Layunin ng kasunduan na magtakda ng mga tuntunin upang maiwasan ang paglala ng mga alitan sa South China Sea.
📸 PNA



