Nagkaroon ng pagtatalo sa Manila Dialogue on the South China Sea matapos kuwestiyunin ni Chinese academic Dr. Zheng Zhihua ang presensya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Iginiit niyang mahigit 27 taon na umanong okupado ng Pilipinas ang naturang lugar na inaangkin ng China.
Tinutulan naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Jay Tarriela ang pahayag ni Zheng. Binigyang-diin niyang walang territorial jurisdiction ang China sa Ayungin Shoal dahil nasa loob ito ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Nasa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre mula pa noong 1999 bilang outpost ng mga sundalong Pilipino. Naging lugar din ito ng ilang komprontasyon ng mga barko ng Pilipinas at China, lalo na sa mga resupply mission.
📸 WPS / YouTube



