Nanawagan si outgoing United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres sa Russia at Ukraine na agad magpatupad ng tigil-putukan, kasunod ng papalapit na ikalimang taon ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa sidelines ng 49th ASEAN Summit, binigyang-diin ni Guterres na dapat maging daan ang tigil-putukan sa isang proseso ng kapayapaan na naaayon sa UN Charter at international law, at kumikilala sa karapatan ng Ukraine sa sariling teritoryo.
Samantala, nagbabala ang UN na lalo pang lumalala ang sitwasyon sa Ukraine dahil sa mga pag-atake ng Russia sa mga sibilyan at pasilidad ng kuryente bago ang taglamig.
📸 ASEAN 2026 PH



