Hindi papayagan ng Manila Police District (MPD) na makapagmartsa patungong Philippine International Convention Center (PICC) ang mga grupong nagkilos-protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ngayong Martes, Nobyembre 17, kung saan ginaganap ang mga aktibidad kaugnay ng ASEAN Summit.
Ayon kay MPD Director PBGen. Arnold Santiago, una na nilang ipinaalam sa mga raliyista na sa Liwasang Bonifacio lamang sila maaaring magsagawa ng programa at hindi sila pinapayagang magmartsa patungong PICC.
Sa ngayon, mahigit 1,000 raliyista na ang nagtitipon sa lugar habang nagpapatuloy ang mga aktibidad kaugnay ng summit.
via Mar Gabriel


