Nagmungkahi si South Korean President Lee Jae Myung ng dalawang inisyatiba na magpapalawak sa kooperasyon ng ASEAN at South Korea sa artificial intelligence (AI) at creative industries.
Kabilang dito ang ASEAN-Korea AI Companionship Initiative at ASEAN-Korea Cultural and Creative Industries Initiative na naglalayong mapakinabangan ng lahat ang pag-unlad ng AI at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga kabataang may creative talent.
Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaasahan ng mga miyembro ng ASEAN ang patuloy na pakikipagtulungan ng South Korea sa larangan ng maritime security, energy security, digital cooperation, kalusugan at edukasyon.
📸 ASEAN Philippines 2026



