TRUMP, DUMATING NA SA PILIPINAS
Bumaba na sa Air Force One si US President Donald Trump matapos lumapag ang eroplano sa Villamor Air Base dakong 5:33 PM.
Nasa bansa si Trump para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits. Kabilang sa mga nakatakdang aktibidad ang mga pagpupulong ng mga lider ng ASEAN at kanilang mga dialogue partners upang talakayin ang mga usaping panrehiyon at ugnayan ng mga bansa. | via Madz Moratillo


