Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa itong tumulong sa posibleng extradition sa Estados Unidos ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy, sakaling maglabas ng kautusan ang korte para hingin ang kanilang assistance.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, susunod lamang ang pulisya sa mga utos ng korte, kabilang ang paglipat at pagbibigay-seguridad kay Quiboloy patungo sa paliparan.
Noong Nobyembre 12, naglabas ang Makati Regional Trial Court ng extradition arrest warrant at hold-departure order laban kay Quiboloy at dalawa niyang kapwa akusado.
📸 PNA



