Tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na wala siyang dahilan upang pagdudahan ang pagtupad ng Estados Unidos sa mga obligasyon nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty sa Pilipinas sakaling lumala ang tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Teodoro, nakikipagtulungan ang Pilipinas sa US upang maiwasan ang posibleng labanan sa pamamagitan ng mas pinaigting na defense cooperation.
Gayunman, sinabi niyang higit siyang magiging kumpiyansa kung magkakaroon ng collective parity na magsisilbing panangga laban sa anumang banta.
Binigyang-diin din ng kalihim na hindi dapat umasa ang Pilipinas sa mabuting hangarin ng China sa pagtalakay sa panukalang ASEAN-China Code of Conduct para sa pinagtatalunang karagatan.
📸 PNA



