Dumating na sa Pilipinas si US President Donald Trump para sa kaniyang pakikilahok sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Nakatakda siyang makipagpulong sa mga lider ng ASEAN sa ASEAN-US Special Summit, kung saan tatalakayin ang ugnayan ng Estados Unidos at mga bansa sa Southeast Asia.
May nakatakda rin siyang bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.


